Mga tren ng MRT hindi agad nakabiyahe; mga pasahero naperwisyo

By Dona Dominguez-Cargullo September 26, 2018 - 05:52 AM

Maagang naperwisyo ang mga pasahero ng Metro Rail Transit.

Ang mga pasahero kasi na umakyat sa mga istasyon ng tren para makasakay ng maaga ay pinababa lang din ng mga gwardya at sinabihang wala pang biyahe ang mga tren.

Technical problem lang umano ang binanggit na dahilan ng mga gwardya.

Dapat ay pasado 5:00 ay nagsimula nang bumiyahe ang mga tren ng MRT.

Dahil dito, nag-abang na lang ng bus sa EDSA ang mga pasahero.

TAGS: dotr, MRT, Radyo Inquirer, Train, dotr, MRT, Radyo Inquirer, Train

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.