Bagyong Paeng humina pa, mabagal na kumikilos sa karagatan ng bansa
Humina pa ang bagyong Paeng habang mabagal itong kumikilos sa karagatan ng bansa.
Huling namataan ang bagyo sa 725 kilometers East ng Basco, Batanes.
Taglay na lang nito ang lakas ng hanging aabot sa 170 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 210 kilometers bawat oras.
Mabagal ang kilos ng bagyo sa direksyong pa-hilaga.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, humina ang bagyo dahil sa pagpasok ng tuyong hangin mula sa isang frontal system sa Japan.
Para sa lagay ng panahon ngayong araw sinabi ng PAGASA na magiging maaliwalas pa rin ang panahon sa buong bansa kasama na ang Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.