Marian Rivera, kinumpirmang buntis sa baby no. 2 nila ni Dingdong Dantes
“We’re expecting!”
‘Yan ang kumpirmasyon ng pagbubuntis ng Kapuso primetime queen na si Marian Rivera sa ikalawang anak nila ng mister na si Dingdong Dantes.
Ibinahagi ni Marian ang balita sa kanyang Instragram ngayong Martes.
“My heart overflows with gratitude and humility. Dong and I, with our Zia, have been gifted with the miracle of life! Looking forward to meeting our ‘little one’ soon,” caption ng post ni Maria sa kanyang IG account.
Aniya, labis siyang nagpapasalamat sa panibagong blessing sa kanyang pamilya, lalo’t magkakaroon na ng kapatid ang panganay nilang si Zia.
Gayunman, walang detalye na ibinahagi si Marian kung lalake ba o babae ang kanyang ipinagbubuntis.
Nauna nang napabalita na buntis si Marian, na ngayon ay 34 years old.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.