P20 na umento sa minimum wage sa NCR aprubado na

By Rhommel Balasbas September 26, 2018 - 04:13 AM

Magkakaroon ng bahagyang pagtaas sa minimum daily wage sa National Capital Region (NCR) sa Oktubre ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni Labor Sec. Bello III, ilalabas sa susunod na buwan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB)-NCR kung magkano ang dagdag sahod.

Sa Oktubre 5 nakatakda ang opisyal na deliberasyon ng RTWPB-NCR sa bago nitong wage order para sa 2018, kasabay ng anibersaryo ng nakalipas na wage order nito.

Gayunman, batay sa nakuhang impormasyon ni Sec. Bello, P20 ang dagdag sa daily minimum wage.

Maaaring mas mataas anya ng kaunti ngunit pinakamababa na ang P20.

Kasalukuyang nasa P512 ang minimum wage sa NCR.

Aminado ang kalihim na maliit ang P20 na umento sa sahod ngunit sa ngayon anya ay ito lamang ang kaya ng mas maraming employers.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.