Krisis sa construction industry ibinabala ni Rep. Erice

By Erwin Aguilon September 26, 2018 - 12:02 AM

Nagbabala si Caloocan City Rep. Edgar Erice na magkakaroon ng krisis sa construction industry sa bansa dahil sa kautusan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagpapatigil sa quarrying.

Ayon kay Erice, mula sa dating P600 per cubic na buhangin at graba ay naging P1500 na ito na triple ang presyo.

Ito anya ang dahilan kung bakit maraming mga drivers at pahinante na rin ang nawalan ng trabaho dahil sa maraming construction na ang huminto dahil sa maraming quarry site ang nagsara kabilang na dito ang Pangsinan, Zambales, Bataan at Quezon.

Paliwanag ng kongresista, ang tripleng pagtaas ng presyo ng graba at buhangin ay dulot ng kautusan ng DENR nagpapatigil sa lahat ng quarrying sa bansa kabilang na dito ang quarrying sa gravel and sand.

Kaugnay nito umapela si Erice sa DENR na i-qualify pagbabawal sa quarrying at huwag isama dito ang graba at bato.

Dapat anyang kaagad itong aksyunan ng gobyerno dahil sa maapektuhan nito ang Build, Build, Build program ng Duterte administration.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.