Kamara magdodouble-time kasunod ng pagbaba ng approval rating sa Pulse Asia Survey

By Erwin Aguilon September 26, 2018 - 12:01 AM

Kasunod ng pagbaba sa pinakahuling pulse asia survey magdodoble kayod ang kamara sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa pagpasa ng mga panukalang batas.

Ayon kay House Majority Leader and Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., ang pinakahuling resulta ng survey ay magiging hamon sa kanila para doblehin ang kanilang trabaho.

Iginiit nito na ang “point of governance” ang kanilang hamon upang gawin kung ano ang tama kahit at hindi na iniisip kung ano ang magiging opinyon ng publiko.

Sinabi ni Andaya na maliban sa approval ratings, ang mahalaga ay ang social and
and economic indicators kung saan sila naka focus tulad ng consumer price index.

Gayunman, ikinatuwa naman nito na nakikita ng publiko kung paano magtrabaho ang bagong pamunuan ng Kamara.

Sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey ngayong buwan ng Setyembre bumaba sa 56 percent ang approval ratings ng Kamara mula sa 66 percent noong buwan ng Hunyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.