Barangay Chairman nakaligtas sa pananambang sa North Cotabato

By Rhommel Balasbas September 26, 2018 - 03:59 AM

Maswerteng nakaligtas ang isang barangay chairman sa Tulunan, North Cotabato sa tangkang pagpatay araw ng Martes.

Ayon kay North Cotabato police spokesperson Supt. Bernard Tayong, nagba-bike lamang umano si Joemar Almirante, chairman ng Barangay Sibsib sa kanilang lugar nang paulanan ito ng bala ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Sakay ng isang itim na Mitsubishi Montero na walang plaka ang mga salarin.

Ayon kay Tayong, nakaiwas sa bala ang biktima matapos magtago sa gilid ng kalsada.

Gayunman, isang retired teacher naman ang natamaan ng ligaw na bala na para sana kay Almirante.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulisya ang motibo sa pag-atake.

Nakuha ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng bala mula sa kalibre .45 na baril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.