Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang aabot sa P544 milyong halaga ng shabu sa isang condominium unit sa Pasay City.
Hinihinalang ang naturang condo unit sa 16th floor ng building ay ginagamit bilang isang shabu laboratory.
Modus umano ng mga suspek ang mag-operate sa mga high-end na lugar upang hindi mahuli ng mga awtoridad.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, 70 kilo ng cryztalized shabu na nakalagay sa isang suitcase at 10 kilo ng liquid shabu na nasa loob ng plastic container ang nakumpiska.
Pinaniniwalaang nakatakda nang ideliver ang kilo-kilong iligal na droga.
Ayon pa kay Aquino, ang raid na ito ay kasunod ng buy bust operations na kanilang ikinasa sa Maynila at ParaƱaque kung saan naaresto ang limang Hong Kong residents.
Kabilang sa mga naaresto ay facilitators at chemists ng shabu lab sa Pasay.
Ang mga suspek na ito ay miyembro umano ng 14K international drug syndicate na nag-ooperate sa Hong Kong at China.
Sa serye ng anti-drug operations sa ParaƱaque at Maynila ay nakakuha ang PDEA ng nasa halos P190 milyong halaga ng shabu.