#PaengPH bahagyang humina habang napanatili ang mabagal na pagkilos
Bahagyang humina ang Bagyong Paeng at mabagal pa rin ang pagkilos.
Sa 11pm weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 725 kilometro Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 190 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 235 kilometro bawat oras.
Ayon sa weather bureau, mabagal ang pagkilos ng bagyo sa direksyong Hilaga-Hilagang-Silangan.
Walang nakataas na storm warning signals at wala pang direktang epekto ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa.
Gayunman, posibleng magdala ng mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan ang bagyo sa Biyernes, September 28.
Dahil sa mabagal na pagkilos, inaasahang sa Sabado, September 29 pa lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
Nananatiling mapanganib ang paglalayag sa northern at eastern seaboards ng Luzon at eastern seaboard ng Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.