Malakanyang, binanatan ang pag-astang muli ni Trillanes bilang biktima ng Duterte admin

By Isa Avendaño-Umali September 25, 2018 - 07:27 PM

Bumuwelta ang Malakanyang sa pag-astang muli ni Senador Antonio Trillanes IV bilang biktima ng administrasyon.

Ito’y kasunod ng pagkakaaresto ng mga pulis kay Trillanes, kaugnay sa pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang amnestiya.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, pinalalabas ni Trillanes na siya’y biktima gayung inaatake naman niya si Duterte.

Hiling ni Roque kay Trillanes, sa halip na humarap sa mga camera ng media ay itututok na lamang daw ng mambabatas ang oras at enerhiya nito sa paghahanda ng kanyang depensa ukol sa kaso.

Dagdag ni Roque, mainam kung ituring ni Trillanes na “welcome opportunity” o pagkakataon ang nangyari sa kanya upang maghain ng mga ebidensya na magpapatunay na balido ang amnestiyang ipinagkaloob sa kanya noon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Si Trillanes ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest ng Makati Regional Trial Court branch 150.

Mayroon ding hold departure order o HDO na inisyu ng korte laban sa senador.

 

TAGS: Rodrigo Duterte, Senator Antonio Trillanes IV, Rodrigo Duterte, Senator Antonio Trillanes IV

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.