Trillanes, nagpiyansa na para sa kasong rebelyon sa Makati RTC
Naglagak na ng piyansa si Senador Antonio Trillanes IV, para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Pasado alas-kwatro ng hapon ay nakarating na si Trillanes Makati Regional Trial Court branch 150.
Ineskortan siya ng mga pulis, sa pangunguna ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar.
P200,000 ang inilagak na piyansa ni Trillanes, para sa kasong rebelyon kaugnay sa 2007 Manila Peninsula siege.
Bago ito ay sumailalim muna siya sa booking procedure sa Makati City Police Headquarters.
Ang warrant of arrest at hold depature order o HDO na inilabas ni Judge Elmo Alameda ay kaugnay sa pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ng amnestiyang ipinagkaloob ni dating Pangulong Noynoy Aquino kay Trillanes.
Maliban sa Makati RTC branch 150 ay may nakabinbin pang mosyon ang Department of Justice sa Makati RTC branch 148.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.