PNP, nakahanda na sa pag-aresto kay Trillanes
Handa na ang Philippine National Police o PNP na arestuhin si Senador Antonio Trillanes IV, kasunod ng paglalabas ng warrant of arrest ng Makati Regional Trial Court branch 150.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, inatasan niya ang arresting team na mag-courtesy call muna kay Senate President Tito Sotto, bago isilbi ang warrant of arrest laban kay Trillanes.
Aniya, ang main arresting team ay mga personnel ng Makati City Police habang ang mga tauhan ng PNP-CIDG ay magsisilbing back-up naman.
Matatandaan na kinuwetsyon ang presensya ng PNP-CIDG sa bisinidad ng Mataas na Kapulungan noong mga nakalipas na linggo, gayung wala pa namang warrant of arrest na inilalabas na ang korte.
Sinabi ni Albayalde na mayroong bakanteng kwarto sa loob ng Camp Crame Custodial Center, kung saan maaaring manatili si Trillanes, sakaling mabigo siya o mga abogado na makapaglagak ng piyansa ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.