Makati RTC, nag-isyu na ng warrant of arrest laban kay Trillanes
BREAKING: Pinaaaresto na ng Makati Regional Trial Court branch 150 si Senador Antonio Trillanes IV.
Ito’y kasunod ng pag-iisyu ng korte ng warrant of arrest laban sa senador, pabor sa hiling ng Department of Justice o DOJ.
Matatandaang binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnestiyang ipinagkaloob ni dating Pangulong Noynoy Aquino kay Trillanes.
Maliban sa warrant of arrest ay nag-isyu na rin si Judge Elmo Alameda ng hold departure order ang korte.
Itinakda naman ng korte sa P200,000 ang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Trillanes.
Sa ngayon ay hinihintay kung maglalagak ng piyansa si Trillanes.
Mayroon na ring mga pulis sa bisinidad ng Senado, na maaaring umaresto sa mambabatas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.