Anak ni Gabby Concepcion kay Jenny Syquia, wagi bilang 1st runner-up sa Miss Universe Sweden

Kinoronahan bilang 1st runner-up sa Miss Universe Sweeden 2018 si Cloie Syquia Skarne, ang anak ni Gabby Concepcion sa dating aktres na si Jenny Syquia.

Ibinahagi ni Cloie ang tagumpay sa kaniyang Instagram Account matapos ang pageant na ginanap sa Stockholm.

Pinasalamatan ni Cloie ang kaniyang pamilya at mga kaibigan sa suportang ibinigay sa kaniya.

Sa comment section sa IG, binati ni KC Concepcion ang half-sister at sinabing proud siya sa naging tagumpay nito.

Si Cloie ay anak ni Gabby kay Syquia na isang Filipino-American Swedish model.

Noong 2016 si Cloie ay lumahok din sa Miss Earth competition na ginanap sa Mall of Asia Arenan kung saan nakapasok siya sa top 8.

Read more...