‘Korean Street’ sa Parañaque sinalakay ng BI, 9 na Korean nationals ang inaresto

By Dona Dominguez-Cargullo September 25, 2018 - 12:22 PM

INQUIRER PHOTO

Nakatakdang ipatapon palabas ng bansa ang siyam na Korean nationals matapos silang arestuhin ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente nahuli ang siyam na ilegal na nagtrabaho sa mga business establishment sa isang subdivision sa Parañaque City.

Ginawa ang pagsalakay sa mga establisyimento noong Sept. 18 ng mga tauhan ng Intelligence Division.

Ayon kay Morente nahuli ang mga dayuhan sa akto na nagtatrabaho sa mga tindahan, restaurants at language school.

Ang nasabing mga dayuhan ay pawang turista, undocumented o kaya naman ay mayroong pekeng work visa.

Ang mga inaresto ay kinilalang sina Seongjin Chung, Heakyung Pyun, Doyeon Kim, Myoungkyu Seong, Eun Kyung Lee, Kwan Soo Heo, Jeong Dong Kim, Sanghwan Pyun, at Song Min Sup.

TAGS: BI, illegal aliens, Korean nationals, Paranaque, BI, illegal aliens, Korean nationals, Paranaque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.