P12 na minimum fare sa jeep inihirit ng ilang transport group
Dahil sa sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng gasolina at krudo, humihirit ang ilang mga transport group na gawing P12 ang minimum fare sa jeep.
Sinabi ni Zeny Maranan, pangulo ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines o FEJODAP na patuloy na nababawasan ang kita ng mga jeepney driver sanhi ng pagtaas ng halaga ng krudo.
Sa pagtaya, iginiit ni Maranan na nasa P200 na ang nawawala sa take-home ng mga jeepney drivers na lalong nagpapahirap sa kanilang sitwasyon.
Kung susumahin aniya, dapat ay P12 na ang singil sa pamasahe sa jeep.
Sa kanilang petisyon sa LTFRB – hinihiling ng mga transport group na gawing P10 ang minimum fare sa jeep.
Noong Hulyo,inaprubahan ng LTFRB ang P9 na provisional fare increase sa jeepney mula sa dating P8 na minimum fare.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.