Unang tatlong senatorial candidates para sa 2019, tinukoy na ng LP

September 25, 2018 - 11:55 AM

INQUIRER.NET PHOTO | GABRIEL PABICO LALU

Inanunsyo na ng Liberal Party ang unang tatlong kandidato nito para sa kanilang line-up sa 2019 elections.

Kabilang sa tatlo sina Senator Bam Aquino, dating Rep. Lorenzo Tañada at si Atty.Jose Manuel Diokno.

Sila ang unang tatlong kandidato na bubuo sa senatorial ticket ng LP sa 2019 midterm elections.

Ginawa ni Rep. Miro Quimbo ang pag-aanunsyo sa idinaos na National Executive Council Meeting ng LP sa Barangay Loyola Heights sa Quezon City.

Isang resolusyon ang ipinasa at inaprubahan ni LP President at Senator Francis Pangilinan kung saan pinapangalanan ang tatlong kandidato ng partido.

Si Aquino ay kasalukuyang senador para sa kaniyang unang termino sa senado habang kapwa first-timer naman sa senatorial race sina Tañada at Diokno.

TAGS: 2019 mid-term elections, Politics, Radyo Inquirer, senatorial race, 2019 mid-term elections, Politics, Radyo Inquirer, senatorial race

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.