Trust at approval ratings ni Pang. Duterte bumaba sa latest Pulse Asia survey

Malaki ang ibinaba ng trust at approval ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Isinagawa ang survey September 1 hanggang 7 kung saan nakakuha ng 75 percent na approval rating ang pangulo mula sa dating 87 percent o 13 percent na pagbaba.

Bumaba din sa 72 percent ang trust rating ng pangulo mula sa 87 percent noong nakaraang survey o mayroong 15 percent na pagbaba.

Noong ginawa ang survey, kabilang sa malalaking isyu ay ang paglalabas ng Proclamation Number 572 ni Pangulong Duterte na nagpapawalang bisa sa amnestiya ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Gayundin ang mga panawagang i-abolish na ang National Food Authority (NFA) at ang panawagang pagbibitiw ni Department of Agriculture Sec Manny Piñol dahil sa isyu sa rice shortage.

Ang ikalawang pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat ay naganap noong Sept. 2 na pasok sa kasagsagan ng survey.

Read more...