Typhoon Paeng napanatili ang lakas, halos hindi gumagalaw – PAGASA
Napanatili ng Typhoon Paeng ang lakas nito habang halos hindi gumagalaw sa karagatan ng bansa.
Sa latest weather bulletin ng PAGASA huling namataan ang bagyo sa 720 kilometers east ng Basco, Batanes.
Simula kaninang alas 3:00 ng madaling araw hanggang alas 10:00 ngayong umaga, 20 kilometers lang ang nabago sa posisyon ng bagyo.
Ayon sa PAGASA, sobrang bagal kasi ng kilos ng bagyo at halos hindi ito gumagalaw pero nananatiling west northwest ang kaniyang direksyon.
Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 200 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 245 kilometers bawat oras.
Sa Biyernes, inaasahang magdudulot na ito ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Northern Luzon.
Bukas naman, makararanas din ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Zamboanga Peninsula, Western Visayas, Palawan at Occidental Mindoro dahil sa nasabing bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.