Abandonadong bagahe nagdulot ng tensyon sa Tondo, Maynila

By Ricky Brozas September 25, 2018 - 10:52 AM

Nagdulot ng alarma ang isang kahina-hinalang kahon na iniwan sa bahagi ng Limay St. Corner Hermosa St. Brgy. 201 zone 18, Tondo, Manila pasado alas 8:00 umaga ng Martes.

Napasugod sa lugar ang mga tauhan ng Manila Police Station (MPD) – station 7 sa pangunguna ni Deputy Commander, Police Chief Inspector Roy Juan Padro kasama ang operatiba ng Explosive Ordnance division ng MPD.

Subalit nang siyasatin ang kahon ay naglalaman pala ng mga damit at wala namang pampasabog.

Hinala ng mga otoridad, posibleng naiwan lamang ang kahon at wala namang intensiyong takutin ang publiko.

TAGS: bomb scare, box, Tondo Manila, bomb scare, box, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.