Bagyong Paeng isa nang super typhoon – JTWC

Isa nang Super Typhoon ang bagyong Paeng base sa klasipikasyon ng US-based na Joint Typhoon Warning Center.

Ayon sa JTWC, taglay na ngayon ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 259 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 314 kilometers bawat oras.

Base sa klasipikasyon ng PAGASA, nananatiling typhoon ang kategorya ng bagyong Paeng.

Ayon sa The Weather Channel sa Taiwan tatama ang bagyong Paeng na may international name na Trami o ‘di kaya ay sa Ryuki Islands sa Japan.

Read more...