Drug suspect patay sa buy bust operation sa Laguna

By Justinne Punsalang September 25, 2018 - 10:01 AM

Police banner

Dead on the spot ang isang drug suspect matapos magkasa ng drug operation ang mga pulis sa Los Baños, Laguna.

Kinilala ang nasawing suspek na si Raymond Maquidato alyas Emon na kabilang sa drug watchlist ng pulisya.

Sinasabing nanlaban si alyas Emon matapos itong isailalim sa buy bust operation sa Barangay Bayog sa Los Baños.

Narekober mula sa suspek ang isang sachet ng shabu at isang hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nakuha rin sa pinangyarihan ng insidente ang isang motorsiklo. Inaalam na ng mga otoridad kung ito ba ay nakaw o nakarehistro sa napatay na drug suspek.

TAGS: buy bust, drug suspect, laguna, War on drugs, buy bust, drug suspect, laguna, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.