Pagdukot sa 7 Filipino seafarers sa Nigeria kinumpirma ng DFA

MV Glarus | File Photo

Kinumpirma na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagdukot ng mga pirata sa pitong Filipino seafarers sa Nigeria.

Ayon sa pahayag ng DFA, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng tauhan ng embahada ng Pilipinas sa Abuja at Berne sa mga otoridad sa Nigeria at Switzerland.

Sinabi ng DFA na kabilang ang pitong Pinoy sa labingdalawang crew members ng MV Glarus na dinukot ng mga pirata.

Pitong iba pang crew kasama ang limang Pinoy ang nakaligtas.

Inatasan na ni Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano ang Office of Migrant Workers Affairs (OMWA) nabigyan ng karampatang tulong ang pamilya ng pitong seafarers.

Read more...