Tatlong police detachments inatake ng NPA sa Masbate

By Dona Dominguez-Cargullo September 25, 2018 - 09:36 AM

Magkakasunod na inatake ng New People’s Army (NPA) ang tatlong police detachments sa lalawigan ng Masbate.

Ginawa ang pag-atake madaling araw ng Martes, Sept. 25.

Ayon kay Sr. Supt. Froilan Navarroza, provincial director ng Masbate Police, ang mga umatake ay pawang miyembro ng Jose Rapsing Command ng NPA.

Unang inatake ang detachment ng 1st Masbate Provincial Mobile Force Company alas 12:00 ng hatinggabi.

Makalipas ang 30-minuto ay inatake naman ang Community Police Assistance center.

Pagsapit ng alas 2:30 ng madaling araw sunod na inatake ang detachment ng 2nd Masbate Provincial Mobile Force Company.

Ayon kay Navarroza, nagawa ng mga otoridad na idepensa ang kanilang hanay.

Walang nasugatan sa panig ng mga pulis at inaalam pa nila kung mayroong nasugatan sa mga rebelde.

Matapos ang tatlong sunud-sundo na pag-atake, itinaas na ang alerto ng pulisya sa Masbate.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.