Ayon kay House Committee on Public Information Chairman Ben Evardone, kung hindi naagapan ay naipa-adopt sa plenaryo ang guidelines upang maging bahagi ng panuntunan sa Kamara.
Gayunman, ayon kay Evardone minabuti ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na idaan muna ito sa committee level at kailangang magkaroon ng resolusyon na aaprubahan.
Sinabi ng mambabatas na maaring makasikil sa coverage ng media na nagco-cover sa Kamara ang nasabing guidelines dahilan upang mangako na ikokonsulta ito sa house media.
Nagtatakda ang guidelines ng mga kailangang sundin sa Kamara mula sa accreditation ng mga mamamahayag na regular na nagco-cover sa Mababang Kapulungan, reliever nito gayundin kung saan maari at hindi puwedeng mag-interview ng kongresista at mga guest sa Kamara.