Guidelines para sa media coverage sa Kamara, inilatag

By Dona Dominguez-Cargullo September 25, 2018 - 09:24 AM

Nagsusulong ang liderato ng Kamara ng guidelines para sa mga media coverage sa iba’t ibang aktibidad ng mga kongresista sa loob ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay House Committee on Public Information Chairman Ben Evardone, kung hindi naagapan ay naipa-adopt sa plenaryo ang guidelines upang maging bahagi ng panuntunan sa Kamara.

Gayunman, ayon kay Evardone minabuti ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na idaan muna ito sa committee level at kailangang magkaroon ng resolusyon na aaprubahan.

Sinabi ng mambabatas na maaring makasikil sa coverage ng media na nagco-cover sa Kamara ang nasabing guidelines dahilan upang mangako na ikokonsulta ito sa house media.

Nagtatakda ang guidelines ng mga kailangang sundin sa Kamara mula sa accreditation ng mga mamamahayag na regular na nagco-cover sa Mababang Kapulungan, reliever nito gayundin kung saan maari at hindi puwedeng mag-interview ng kongresista at mga guest sa Kamara.

TAGS: House of Representatives, Radyo Inquirer, Rep. Ben Evardone, House of Representatives, Radyo Inquirer, Rep. Ben Evardone

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.