9 sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo September 25, 2018 - 09:18 AM SHARE(S):
Inquirer.net Photo | Noy Morcoso

Sugatan ang siyam na katao sa karambola ng apat na mga sasakyan sa Commonwealth Avenue malapit sa Tandang Sora sa Quezon City.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dalawang pampasaherong jeep at dalawang motorsiklo ang sangkot sa aksidente.

Ang siyam na mga nasugatang pasahero ay dinala sa East Avenue Medical Center.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad kung ano ang naging sanhi ng aksidente.

TAGS: accident, East Avenue Medical Center, mmda, multiple collision, accident, East Avenue Medical Center, mmda, multiple collision

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.