Muling pagbubukas ng Estrella-Pantaleon Bridge desisyon ng DPWH; MMDA nasorpresa
Nasorpresa ang MMDA sa biglaang pagbubukas ng Estrella-Pantaleon Bridge na nagdudugtong sa Makati at Mandaluyong.
Ayon kay Bong Nebrija, Commander ng Task Force Special Operations ng MMDA, walang koordinasyon sa kanila ang pagbubukas ng kalsada na dapat ay 30-taon na sarado dahil sa gagawin na itong apat na linya.
Nakikipag-ugnayan na ang MMDA sa Department of Public Works and Highways (DPWH) hinggil sa nangyari dahil proyekto ng DPWH ang pagpapalapad sa naturang kalsada.
Samantala, sinabi naman ni Anna Mae Yu Lamentillo, chairperson ng Build Build Build Committee ng DPWH, sadya nilang binuksan kagabi ang tulay.
Ito ay para talakayin muna ang mga hiling na pagkatapos na lamang ng Christmas Season simulan ang closure.
Mistula namang walang naging koordinasyon ang ginawang pagbubukas ng tulay sa MMDA dahil hindi alam ni Nebrija na ang naging pasya ng DPWH.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.