Wala pang 2-araw mula nang isara, Estrella-Pantaleon Bridge binuksan muli sa mga motorista

By Dona Dominguez-Cargullo September 25, 2018 - 06:10 AM

Bukas na muli at nadaraanan na ng mga motorista ang Estrella-Pantaleon Bridge na nagdudugtong sa Makati City at Mandaluyong City.

Simula alas 9:00 ng gabi ay naalis na ang mga kulay orange na barrier sa lugar. Kwento ng mga residente, isang pick-up ang dumating sa lugar kagabi, bumaba ang lalaking sakay nito at saka inalis ang mga barrier.

Blangko naman ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa nangyari at sinabing hindi sila ang nag-utos ng pagbubukas.

Simula noong Linggo, isinara na ang tulay at dapat ay mahigit dalawang taon ang closure nito.

Kahapon ay nagdulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng traffic ang closure.

TAGS: DPWH, Estrella-Pantaleon Bridge, mmda, Radyo Inquirer, DPWH, Estrella-Pantaleon Bridge, mmda, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.