Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 740 kilometers East ng Basco, Batanes, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 200 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 240 kilometers bawat oras.
Mabagal ang kilos ng bagyo na 10 kilometers lamang bawat oras sa direksyong West Northwest.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, wala pa ring direktang epekto ang bagyong Paeng sa anumang bahagi ng bansa.
Gayunman, ang trough o buntot ng bagyo ay magdudulot na ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, ARMM at SOCCSKSARGEN.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas lang ng bahagyang maulap na papawirin at localized thunderstorms.
Hindi na inaasahang tatama sa kalupaan ng Taiwan ang bagyo at sa Sabado ito inaasahang lalabas ng bansa.
Simula sa Biyernes ay maaring makaapekto na ang bagyo sa Northern Luzon.