Panukalang bubuo sa energy research ng bansa, nakapasa sa Senado

By Justinne Punsalang September 25, 2018 - 04:18 AM

Nakapasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na bubuo sa Philippine Energy Research and Policy Institute (PERPI).

Layunin nito na mapunan ang kakulangan sa research at policy ng local energy sector at upang magkaroon ng reporma sa usaping pang-enerhiya.

18-0 ang naging boto para sa Senate Bill 1574 o ang Philippine Energy Research and Policy Institute Act of 2018.

Sa ilalim nito ay bubuuin ang PERPI sa loob ng Unibersidad ng Pilipinas.

Ang PERPI ay aatasang bumuo ng multi-disciplinary energy research, gumawa ng bagong teknolohiya, at magsisilbing katuwang ng pamahalaan sa paggawa ng mga batas patungkol sa pangangailangang-enerhiya ng bansa.

Kapag naging ganap na batas, maglalaan ang pamahalaan ng P200 milyon para sa pangangailangan ng bagong ahensya.

Magkakaroon din ng Endowment Fund para sa research nito.

Samantala, ikinatuwa ni Senate Committee on Energy chairman, Senador Sherwin Gatchalian na siya ring pangunahing may-akda at sponsor ng panukala, ang pagkakapasa nito sa Senado.

Aniya, sa pamamagitan nito ay mapapalapit na ang bansa sa pagkakaroon ng ‘world-class think tank’ na mangunguna sa Philippine energy research at policy development.

Dagdag pa nito, makatutulong ang PERPI sa pangmatagalang socio-economic goals ng bansa.

TAGS: Philippine Energy Research and Policy Institute, Senate, Sherwin Gatchalian, Philippine Energy Research and Policy Institute, Senate, Sherwin Gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.