Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang pulong balitaan sa Malacañan.
Aniya, maging ang Department of Trade and Industry (DTI), sa pamamagitan ng kanilang attached agency na Philippine International Trading Corporation (PITC), ay mag-aangkat na rin ng bigas.
Ani Roque, kukuha ang DTI ng 25% broken long grain white rice at ibebenta ito sa P27 bawat kilo. P5 itong mas mababa kumpara sa bigas na ibinibenta ng NFA.
Paliwanag pa ng tagapagsalita ng pangulo, maituturin na magandang balita ang pag-aangkat ng bigas ng DTI dahil natapos nito ang monopolya na ginagawa ng NFA sa pagdedesisyon kung kailan kukuha ng bigas mula sa ibang bansa.
Dagdag pa nito, hindi naman labag sa batas ang gagawing rice importation ng PITC.
Sinasabing 150,000 metric tons o tatlong milyong sako ng bigas ang iaangkat ng DTI sa pamamagitan ng government-to-government scheme.