Underspending ng calamity fund ng OCD, pinaiimbestihan sa Kamara

By Isa Avendaño-Umali November 02, 2015 - 11:13 AM

yolanda-aftermathPinasisiyasat ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez sa Mababang Kapulungan ang umano’y calamity underspending ng gobyerno.

Ito’y batay na rin sa ulat ng Commission on Audit o COA na bigo ang pamahalaan na gastusin ang mahigit isang bilyoing pisong emergency funds mula sa foreign at local donations, at mula sa bahagi ng calamity funds para sa quick response sa natural disasters.

Nakasaad pa sa COA report na ang 1 billion pesos ay itinago raw ng Office of Civil Defense sa kabila ng matinding pinsala na idinulot ng mga nanalasang malalakas na bagyo na kumitil sa buhay ng maraming residente at nag-iwan sa mga pamilya na walang tirahan.

Ayon kay Benitez, kailangang mabusisi ang naturang COA report, lalo’t patuloy na may mga tumatamang kalamidad sa Pilipinas.

Sinabi pa ni Benitez na walang sapat na paliwanag o justification ang hindi pagbibigay ng tulong para sa mga nangangailangang biktima ng trahedya.
Ani Benitez, kailangang ipatawag sa congressional probe ang mga opisyal ng COA at OCD para maipaliwanag ang audit findings.

Nabatid na kasama sa “list of events” na tumanggap ng donasyon pero “unspent o underspent” ay ang Zamboanga siege; lindol sa Bohol; at Supertyphoon Yolanda na pawang nangyari noong taong 2013.

TAGS: GovernmentUnderspending, GovernmentUnderspending

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.