Sa panayam ng media bago matungo ang kalihim sa New York para sa United Nations General Assembly, sinabi ni Cayetano na magpapatuloy ang naturang exploration sa South China Sea ngunit hindi natapos ang pag-uusap dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong hindi lamang sa Pilipinas ngunit maging sa Hong Kong.
Paliwanag ni Cayetano, inaayos na ng mga delegado ng China at Pilipinas ang bagong schedule upang sila ay magkita at makapag-usap ukol dito.
Ani Cayetano, bagaman magkikita sila ni Chinese State Councilor at Foreign Minister Wang Yi sa UN ay hindi naman sila magkakaroon ng bilateral talks.
Aniya pa, itinutulak talaga ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagkakaroon ng joint exploration dahil inaasahang mauubos na ang laman ng Malampaya gas field pagdating ng taong 2028.