PH-China joint exploration magpapatuloy ayon sa DFA

By Justinne Punsalang September 25, 2018 - 04:10 AM

Nilinaw ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano na on track ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China para sa joint exploration.

Sa panayam ng media bago matungo ang kalihim sa New York para sa United Nations General Assembly, sinabi ni Cayetano na magpapatuloy ang naturang exploration sa South China Sea ngunit hindi natapos ang pag-uusap dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong hindi lamang sa Pilipinas ngunit maging sa Hong Kong.

Paliwanag ni Cayetano, inaayos na ng mga delegado ng China at Pilipinas ang bagong schedule upang sila ay magkita at makapag-usap ukol dito.

Ani Cayetano, bagaman magkikita sila ni Chinese State Councilor at Foreign Minister Wang Yi sa UN ay hindi naman sila magkakaroon ng bilateral talks.

Aniya pa, itinutulak talaga ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagkakaroon ng joint exploration dahil inaasahang mauubos na ang laman ng Malampaya gas field pagdating ng taong 2028.

TAGS: Alan Peter Cayetano, China, DFA, joint exploration, Alan Peter Cayetano, China, DFA, joint exploration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.