Ito ay kasunod ng naging pahayag ni Roxas noong nakaraang linggo na dapat ay itigil muna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamumulikita, taasan ang rice importation, at hayaan ang mga malalaking negosyo na mag-angkat ng kanilang sariling supply ng bigas.
Iminungkahi rin ng dating opisyal na suspendihin muna ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law lalo na sa mga produktong petrolyo.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi nila kailangan ang mga suhestyon ni Roxas dahil nauna na itong iminungkahi ng economic team ng pangulo.
Aniya, hindi naman bago ang mga rekomendasyon ni Roxas at wala rin siyang monopolyo sa solusyon sa problema ng bansa.
Dagdag pa ng tagapagsalita ng pangulo, nakasaad naman na sa TRAIN Law na posible ang pagsuspende dito kapag umabot na sa USD80 per barrel ang halaga ng krudo.