5 nasa drug watchlist ng pulisya, arestado sa Laguna
Sugatan ang isang drug suspek, habang naaresto naman ang kanyang apat na mga kasamahan sa isinagawang buy bust operation ng puliya sa Barangay Pansol sa Calamba City, Laguna.
Nakilala ang sugatang suspek na si Apolinario Dimaano, 48 taon gulang. Habang ang kanyang mga kasabwat naman ay sina Luis Marcelo, 51 taong gulang; Cherry Ann Tarazona, 38 taong gulang; Restituto Capucino, 39 na taong gulang; at Rodelio De Leon, 42 taong gulang.
Ang limang mga suspek ay kabilang sa binabantayang drug watch list ng mga otoridad.
Ayon sa mga otoridad, Lunes ng tanghali nang makatanggap sila ng ulat tungkol sa nagaganap umanong pot session sa lugar.
Agad na nagtungo ang mga pulis sa lugar at doon naberipika ang nangyayaring pot session.
Pagsalakay ng pulisya sa bahay agad na bumunot ng baril si Dimaano at pinaputukan ang mga otoridad.
Gumanti ng putok ang pulisya, dahilan upang matamaan ng bala ang suspek na mabilisang itinakbo sa JP Hospital upang lapatan ng lunas.
Narekober mula sa pinangyarihan ng engkwentro ang siyam na medium-sized sachet ng shabu, isang bukas na plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia, at isang kalibre 38 baril na kargado ng mga bala.
Mahaharap ang limang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.