Mahigit 31,000 Pantawid Pasada cards naipamahagi na ng DOTr

By Justinne Punsalang September 25, 2018 - 03:57 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Ipinagmalaki ng Department of Transportation (DOTr) na mahigit 30,000 mga jeepney drivers at operators na ang nabigyan ng Pantawid Pasada cards simula nang ilunsad ang programa noong Hulyo.

Batay sa datos na hawak ng kagawaran, as of September 23, 2018, 31,677 fuel subsidy cards na ang naipamahagi sa buong bansa.

Pinakamalaking distribusyon ng fuel cards ang sa CALABARZON na mayroong 7,612. Sumunod dito ang Central Luzon na mayroong 4,933; Central Visayas na may 2,999; Davao Region na may 2,668; at 2,312 naman para sa central office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City.

Naglunsad na rin ang LTFRB ng Pantawid Pasada caravan sa piling mga lugar sa bansa upang mapadali ang pamamahagi ng mga fuel subsidy cards.

Ngayong araw, September 25, ay maaring makuha ng mga public utility jeepney (PUJ) operators at drivers ang Pantawd Pasada cards sa Buena Park, Caloocan City.

Mula naman September 26 hanggang 28 ay maarin makuha ang fuel cards sa LTO East Avenue sa Quezon City.

Aminado naman si DOTr Assistant Secretary for Road Transportation and Infrastructure Mark de Leon na hindi nila matatapos ang distribusyon ng Pantawid Pasada cards bago matapos ang Sityembre gaya ng kanilang naunang plano.

Layon ng ahensya na mabigyan ang nasa 179,000 na mga operators at drivers ng fuel subsidy cards ngayong taon.

Sa pamamagitan ng Pantawid Pasada cards ay mabibigyan ang mga driver at operator ng P5,000 lump sum subsidy upang bahagyang matulungan ang mga ito sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Samantala, tinitingnan ngayon ng DOTr ang posibilidad na madagdagan ang subsidiya sa P20,000 sa susunod na taon.

TAGS: dotr, Jeep, pantawid pasada, dotr, Jeep, pantawid pasada

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.