Comelec, pinag-aaralan ang pagkakaroon ng ‘register anywhere’ system

By Rod Lagusad September 25, 2018 - 03:53 AM

Tinitingan ng Comelec ang posibilidad na pagkakaroon ng ‘register anywhere’ system na siyang magbibigay daan sa mga magrerehistrong mga botante saanman.

Ayon kay James Jimenez, tagapgsalita ng Comelec, na kanilang pinag-aaralan ang pagkakaroon ng nasbaing sistema para mas maraming mga tao ang makalahok sa mga gaganaping eleksiyon sa hinaharap.

Kasunod ito ng mga katanungan kung ang mga taong hindi makakapunta sa mga local Comelec offices ay maaring magparehisto saanman.

Kaugnay nito, ang pagkakaroon ng ‘register anywhere’ na sistema ay nangangailangan ng pag-amiyenda sa Voter Registration Act of 1996 na nagsasad kung saan pwede magparehistro ang mga botante.

Aniya hanggat hindi napapalitan ang nakasaad sa batas ay hanggang satellite registration sa parehong lungsod o munisipalidad lang ang maaring magawa ng Comelec.

TAGS: comelec, voters registration, comelec, voters registration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.