Gen Ad, Upper at Lower Box tickets sa concert ng Maroon 5 sa Pilipinas, mabilis na na-sold out

Courtesy of Maroon 5 Facebook

Agad na na-sold out ang mga ticket sa General Admission, Upper at Lower Box sa concert ng American band na Maroon 5 sa Pilipinas.

Ngayong araw nagsimulang ibenta sa publiko ang mga ticket para sa nakatakdang pagtatanghal ng banda.

Una dito ay nagsimula ang presale ng mga ticket sa mga fan clubs ng Maroon 5 noong September 22 at 23.

Gaganapin ang nasabing concert ng banda sa darating na March 5, 2019 sa SM Mall of Asia (MOA) Arena.

Ang concert ng Maroon 5 sa susunod na taon ay bahagi ng kanilang world tour para sa kanilang ikaanim na studio album na “Red Pill Blues”.

Ilan sa mga hit songs ng banda ay ang “This Love”, “She Will Be Loved”, “Moves Like Jagger”, “Payphone”, “Sugar” at “Girls Like You”.

Samantala, may mga natitira pang tickets para sa VIP 1 and 2 sections sa concert ng Maroon 5.

Read more...