Bagyong Paeng bumagal habang lumalapit sa Hilagang Luzon

By Justinne Punsalang September 24, 2018 - 11:22 PM

Bahagyang bumagal ang galaw ng bagyong Paeng habang patuloy itong lumalapit sa dulong bahagi ng Hilagang Luzon.

Sa 11PM severe weather bulletin ng PAGASA, tinatahak nito ang direksyong kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Huling namataan ang typhoon Paeng sa layong 795 kilometro silangan ng Basco, Batanes.

May dala itong hangin na 185 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot naman sa 225 kilometro bawat oras.

Bagaman wala pa itong direktang epekto sa Pilipinas at wala pa ring nakataas na anumang tropical cyclone warning signal, nagbabala naman ang PAGASA na mapanganib ang paglalayag sa hilaga at silangang bahagi ng karagatang sakop ng Luzon, maging sa eastern seabord ng Visayas.

Dagdag pa ng weather bureau, posibleng magkaroon ng tropical cyclone warning signal sa extreme Northern Luzon sa Huwebes, September 27, o Biyernes, September 28. Kasabay nito ay posible ring magdala ng mahina hanggang sa katamtamang pag-uulan ang bagyo sa Hilagang Luzon pagsapit ng Biyernes.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Paeng sa Sabado ng gabi.

TAGS: Bagyong Paeng, Trami, Typhoon Paeng, Bagyong Paeng, Trami, Typhoon Paeng

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.