Isang bayan sa Surigao del Norte, niyanig ng lindol

By Justinne Punsalang September 25, 2018 - 01:28 AM

Courtesy of PHIVOLCS

Naramdaman ang isang magnitude 3.6 na lindol ang bayan ng Burgos sa Surigao del Norte.

Batay sa abiso ng PHIVOLCS, naganap ang lindol, alas-11:44 ng gabi ng Lunes.

Naitala ang episentro ng pagyanig sa layong 65 kilometro hilagang silangan ng Burgos.

May lalim lamang itong isang kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Ayon sa PHIVOLCS, walang idudulot na aftershocks ang lindol at wala rin itong inaasahang anumang pagkasira sa mga ari-arian.

TAGS: lindol, surigao del norte, lindol, surigao del norte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.