Mga maiipit sa pagbibigay ng green cards sa US, tutulungan ng DFA

By Alvin Barcelona September 24, 2018 - 10:03 PM

Bibigyan ng tulong Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino workers na maapektuhan ng paghihigpit ng Estados Unidos sa pagbibigay ng green cards.

Tiniyak ito ni Secretary Alan Peter Cayetano, bago umalis papunta sa US para dumalo sa UN general assembly.

Alam ni Cayetano na maraming undocumented Filipino ang tatamaan ng paghihigpit sa green card kaya may direktiba na siya sa Embahada ng Pilipinas sa US na bigyan ng ayuda ang mga nasabing kaso.

Sinabi ng kalihim na bagama’t handa silang tumulong, ang pasya patungkol sa pagbibigay ng visa at immigration privileges ay desisyon pa rin ng pamahalaan ng US.

Matatandaang isa sa campaign promise ni US President Donald Trump ay higpitan ang immigration at bawasan ang mga immigrant na nananatili sa kanilang bansa.

TAGS: Amerika, DFA, green card, Amerika, DFA, green card

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.