Supplemental budget, hiling ng DA para sa mga sinalanta ng Bagyong Ompong

By Angellic Jordan September 24, 2018 - 09:36 PM

Hihiling ang Department of Agriculture (DA) sa Kongreso ng karagdagang pondo para rehabilitasyon ng mga probinsyang sinalanta ng Bagyong Ompong.

Ayon kay DA Secretary Emmanuel Piñol, hindi sapat ang inilaang pondo para sa rehabilitasyon.

Dahil dito, gumagawa na aniya sila ng isusumiteng master plan sa Office of the President.

Nagkaroon din aniya ng dalawang suggestion para rito; una ay makiusap ng supplemental budget para mabigyan ng pondo ang mga lugar na kailangang ayusin at pangalawa, isama ang rehabilitasyon sa 2019 budget.

Ang kabuuang halaga ng pondo ay pagbabasehan sa assessment ng kagawaran.

Umaasa naman aniya ang DA na mahihikayat nila ang Kongreso para sa karagdagang pondo.

TAGS: Bagyong Ompong, DA, supplemental budget, Bagyong Ompong, DA, supplemental budget

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.