Isang guro dinakip sa Jolo, Sulu

By Angellic Jordan September 24, 2018 - 08:30 PM

Dinakip ang isang guro sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Bangsa Sug Against Kidnaping and Other Crimes (BassaKao) convener Dr. Radan Ikbala, nakilala ang biktima na si Shariff Benjamin Ubaid, guro sa Luuk.

Dinakip si Ubaid sa bahagi ng Jolo noong nakaraang araw ng Sabado, September 22.

Ngunit sinabi ng BassaKao na napag-alaman lang ang insidente, Lunes ng hapon.

Ayon naman kay Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Education Secretary Rasul Mitmug, patuloy silang kumakalap ng impormasyon ukol sa insidente.

Nakatatanggap na rin aniya sila ng opisyal na ulat sa kaso.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang militar at pulisya sa bagong kaso ng pagdakip.

TAGS: BassaKao, Kidnapping, BassaKao, Kidnapping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.