Resulta ng Colonscopy at Endoscopy ni Duterte, dapat ipakita sa publiko – Casilao

Nais ni Anakpawis partylist Representative Ariel Casilao na makita ang resulta ng Colonscopy at Endoscopy ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos aminin ng Punong Ehekutibo ang pagsailalim sa naturang medical procedures.

Ayon kay Casilao, dapat maging transparent ang administrasyon hinggil sa tunay na estado ng kalusugan ni Duterte.

Hindi aniya masisi ang publiko kung uusisain ito.

Dagdag pa nito, hindi naman siguro mabigat kung hihingi ng medical at basic certification mula sa kaniyang doktor.

Sa ganitong paraan, maibibigay aniya ang karapatan ng publiko at kaniyang mga kasamahan na malaman ang kaniyang kondisyon.

Matatandaang sinabi ng Palasyo ng Malakanyang na routine check up lang ni Duterte ang naturang procedures.

Read more...