Bilang ng mga nahuling city law violators, umabot na sa 300,000

By Angellic Jordan September 24, 2018 - 07:58 PM

Inquirer file photo

Sa loob ng tatlong buwan, umabot na sa halos 300,000 na indibidwal ang dinakip ng pulisya bunsod ng paglabag sa iba’t ibang local ordinance sa Metro Manila.

Sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO), pinakamaraming naitala sa Quezon City na may 156,017 na violators.

Sumunod dito ang mga lugar na sakop ng Eastern Police District (EPD) kung saan 66,500 na violators ang nahuli sa Lungsod ng Maynila.

Mula sa kabuuang bilang, 97,685 ang nahuling naninigarilyo sa pampublikong lugar habang 22,407 ang nakitang walang damit pang-itaas.

21,299 na kabataan naman ang nahuling hindi sumunod sa curfew hour, 15,140 ang umiinom sa pampublikong lugar at 134,576 ang lumabag sa iba pang city laws.

Samantala, tinatayang 205,004 o 70 percent sa mga dinakip ay binigyang-babala ng pulisya, 52,823 ang pinagpiyansa, 15,140 ang kinasuhan at 32 naman ang nananatili sa kustodiya ng pulisya.

Ang datos ay mga nahuli mula June 13 hanggang September 24, 2018.

TAGS: local ordinances, Metro Manila, violator, local ordinances, Metro Manila, violator

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.