Dating Mayor ng Camalig, Albay at tatlong iba pa, guilty sa maanumalyang maintenance contract ng mga sasakyan

By Erwin Aguilon November 02, 2015 - 10:41 AM

aug 27 justiceHinatulang guilty ng Sandiganbayan si dating Camalig, Albay Mayor Paz Muñoz at tatlong iba pang opisyal sa kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act kaugnay sa maanomalyang maintenance contract ng mga sasakyan ng munisipyo.

Parusang anim na taon at isang buwan hanggang walong taong pagkabilanggo ang ipinataw ng korte laban sa dating alkalde at kay municipal engineer Rene Ortonio bukod pa sa panghabambuhay na hindi na sila maaring humawak ng anumang puwesto sa gobyerno.

Base sa 23-pahinang desisyon ng Sandiganbayan na sinulat ni Associate Justice Napoleon Inuturan, sinabi ng korte na napatunayang guilty beyond reasonable doubt ang mga akusado sa pinasok nilang kontrata para sa repair ng limang government vehicles noong 2003 sa Legazpi Tireworld Corporation na nagkakahalaga ng P447,027.53 kasama ang car wash.

Sinabi ng husgado na lumabas sa report mg COA na walang walang pre at post inspection report, tamang pag canvass, walang petsa para sa bidding at pagsusumite ng bid para sa kontrata.

Lumabas pa sa COA report na nasa good running condition ang dalawang sasakyan kaya hindi nito kailangan ng repair.

Hindi rin maaring gamitin ng dating alkalde na honest mistake ang nangyari dahil sa dami ng kaniyang trabaho sapagkat maraming iregularidad ang kontrata at nasa mandato ng batas ang mga proseso na dapat ay sinunod ng mga akusado.

TAGS: CamaligAlbay, CamaligAlbay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.