P1.5B pondo, inihanda ng DSWD sa Bagyong Paeng
Naghanda na ng P1.5 bilyong pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa posibleng pananalasa ng Bagyong Paeng.
Ito ay kahit hindi direktang tatama ang bagong bagyo sa anumang parte ng bansa.
Ayon sa kagawaran, aabot sa P660 milyon ang inilaang standby funds habang P700 milyon naman para sa mga pagkain at non-food items.
Maliban dito, nakahanda na rin ang hindi bababa sa 386,400 na family food packs na nagkakahalaga ng P130 milyon.
Ipapadala ang food packs sa mga pamahalaang lokal na maaapektuhan ng Bagyong Paeng.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni DSWD Secretary Virginia Orogo na kahit walang direktang epekto ang bagyo, dapat pa rin maging alerto ang publiko lalo na sa mga residente sa bahagi ng Northern Luzon sa posibleng pagbaha at landslide.
Wala aniyang may nais na mapahamak pa ang ilang kababayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.