Hindi pwedeng baguhin nina dating Senador Juan Ponce Enrile at Bongbong Marcos ang totoong nangyari sa rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos kabilang ang Martial law.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, mayroong mga desisyon ang korte na nagpapatunay ng matinding paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng rehimeng Marcos.
Binanggit din ni Roque ang batas na nagbibigay ng kompensasyon sa mga biktima ng Martial law.
Sa tingin ng opisyal ng Palasyo, hindi pwedeng baguhin nina Enrile at Marcos ang kasaysayan kung mayroong court decisions at batas na nagpapatunay ng nangyari sa panahon ng Batas militar.
Reaksyon ito ng Malakanyang sa one on one interview nina Marcos at Enrile kung saan itinanggi ng dating senate president na may pinatay at inaresto sila noong Martial law, bagay na binatikos ng ilang sektor partikular ang mga naging biktima nang ipatupad ang Batas militar.